Saturday, March 31, 2007

Sacred Paschal Triduum

Tomorrow, Passion Sunday (more popularly known as Palm Sunday) signals the start of our observance of Holy Week, certainly the busiest week in the entire liturgical year which centers around the commemoration of the Paschal Mystery most especially observed in the solemn celebration of the Sacred Paschal Triduum.

In the rich yet no less elegant simplicity of its liturgical rites, the Church makes present now the holy events of Christ's last days on earth that fittingly cap his life and ministry, which altogether bring us redemption and show us the way to salvation.

Here are some materials that you may find useful for your Triduum:

Sacred Paschal Triduum
Word document ready for printing. Includes the liturgy for the entire triduum in English as well as the document Paschales Solemnitatis. Prayers of the Faithful and other parts especially composed. In the Appendix, you will also find Mass on Easter Morning, and musical scores of the Regina Caeli (with my translation of the hymn into Filipino) and Fr. Carlo Magno Marcelo's Exsultet. Also includes an alternative formula for the Renewal of Baptismal Promises.

Filipino Exsultet
Fr. Manoling Francisco's new musical score for the Exsultet (short form) in Filipino commissioned by the Minister of the Ministry for Liturgical Affairs of the Archdiocese of Manila, Fr. Genaro Diwa, SLL. Original Score and CD exclusively available at Jesuit Communications Foundation and all Tanging Yaman outlets.

Pange Lingua in Filipino
A new translation. May be sung to traditional melodies.

Liturgical Guide for the Easter Triduum
From the Ministry for Liturgical Affairs of the Archdiocese of Manila. Includes the Rite and Mass Formularies for the traditional Salubong.

Other Triduum Materials
Composed parts of the above document Sacred Paschal Triduum.

Pange Lingua in Filipino

While doing the Eight-Day adaptation of the Spiritual Exercises of Saint Ignatius Loyola, I did a vernacular translation of Saint Thomas' Pange Lingua in Filipino. I tried to observe rhyme, measure and rhythm, although it was a little difficult since Filipino words usually have more syllables than the Latin, so that the new translation can be conveniently sung according to traditional melodies without excepting the possibility of a new musical setting, that can also be fittingly inculturated, composed at a later date. (Last Holy Thursday, Ron Alquisada and I were able to compose such a simple, Filipino tune. The practice Mp3 and minus one are found below)

More importantly, I strived to be faithful to the narration of the history, as it were, of the most holy flesh and blood of Christ, born, poured out and immolated for our redemption. O let our tongues always sing of this glorious Body broken so that we may be whole!


PANGE LINGUA
Mga titik ni: Santo Tomas de Aquino
Salin sa Filipino ni: Leo Ruiz Ocampo
Musika ni: Leo Ruiz Ocampo at Ron Michael Alquisada

Aking dila ay purihin
Banal Niyang Katawan
at Dugong mahal Niyang tunay
sa lupa iniluwal
pantubos sa sala natin
binuhos Niyang tanan.

Sa 'tin kusa S'yang binigay
sa Birhen isinilang
at sa atin nakibagay
pinunla Kanyang aral
turo niya ay sinabuhay
bago N'ya 'to tuldukan.

Sa dakila N'yang hapunan
nagsalong kapatiran
tinupad munang kailangang
hain sa Kautusan
at saka Niya idinulang
hinain Kanyang laman.

Salita na nagkatawan,
Tinapay naging laman,
at ang alak ay Dugo naman
at kung 'di malasahan
sa puso ng totohanan
tiwala ang tutuwang.

Ay! sambahin nating lahat
Sakramentong dakila
Tapos nang pag-aaninag
Pag-ibig bumabaha
'di mo man maunawaan
tiwala ang tutuwang.

Ay! purihin, ipagdangal
Ama't Anak n'yang Banal
gayon din naman itanghal
'Spiritung nag-uumapaw
ihayag kanyang pag-ibig
magpasawalang hanggan.

Amen.


Mirador Jesuit Villa
Marso 20, 2007


Pange Lingua in Filipino with Vocals

<bgsound src="http://romaaeterna.jp/liber1/lu0957b.mid" loop="infinite">
Pange Lingua in Filipino Minus One


<bgsound src="http://romaaeterna.jp/liber1/lu0957b.mid" loop="infinite">

Monday, March 26, 2007

Sacramentum Caritatis

I just learned through the Vatican website that the Holy Father, Pope Benedict XVI has issued a Post-Synodal Apostolic Exhortation on the Eucharist entitled Sacramentum Caritatis last 22 February 2007, Feast of the Chair of Peter Apostle.

Even before his first encyclical Deus Caritas Est, there had been rumors that the Pope will be issuing a document on the implementation of the liturgical reform of the Second Vatican Council. Most of us know that before ascending to the papacy, he was a well-published author not only in the field of systematic theology but even in theology of the liturgy.

The document then is a promising read to all of us, especially in this season when we commemorate the very source of this most Holy Sacrament which is truly no other than the love of Our Lord Jesus Christ who offered his life for us on the Cross. Thank you Holy Father!

Adhortatio Apostolica Postsynodalis Sacramentum Caritatis (Latin Text)
Post-Synodal Apostolic Exhortation Sacramentum Caritatis (English text)

Solemnity of the Annunciation of the Lord

Today we celebrate the Solemnity of the Annunciation of the Lord, which commemorates the very mystery of the Word made flesh in the immaculate womb of the Virgin Mary.

I just came from an 8-day adaptation of the Spiritual Exercises of Saint Ignatius Loyola where the contemplation on the Incarnation opens the series of contemplations on the life of Our Lord. Certainly, it is one of the most moving moments filled with tremendous grace and consolation. With the rest of humanity practically oblivious to the event, Our Lord enters the world with Mary's consent in such humble and non-triumphant fashion. Indeed, this great mystery brings us to our knees in great wonder, for in the fullness of time he was conceived by the power of the Holy Spirit and was born of the Virgin for our sakes, stripping himself of the glory of his divinity and becoming one like us in all things except sin. (That is why during Mass today, at the Profession of Faith, we kneel at the words: Et incarnatus est) This same flesh and blood, born of the intact Virgin, would given to us in the Eucharist to be our food and drink and immolated on the Cross for our redemption.

The consent of Mary unites with the consent of Jesus to the Father and their most beautiful unison begins the great song of our salvation. Let us ask that we, unworthy though we are, be made worthy to raise our voices to join in this perfect liturgy of praise.

Saturday, March 24, 2007

New Musical Setting for the Exsultet in Filipino

The Ministry for Liturgical Affairs of the Archdiocese of Manila, through the able and energetic leadership of its minister, Fr. Genaro Diwa, has commisioned and produced a CD and score of a new musical setting for the Exsultet in Filipino prepared by well-known musician, Fr. Manoling Francisco, SJ. Copies have been disseminated to pastors in the Archdiocese in time for the coming Easter celebration. Hopefully this will contribute to a better celebration and appreciation of the Solemn Easter Vigil liturgy that commemorates in very moving fashion the culmination of the events that brought us salvation in Christ our Risen Lord.

Ministry for Liturgical Affairs releases Filipino Exsultet
As Easter Draws Near (by Fr. Cassian Folsom, OSB)

Listen to the Exsultet here:


<bgsound src="http://h1.ripway.com/leoruizocampo/08Track8.wma" loop="infinite">

For School Graduations

For School Graduations
From the Supplement to the Roman Sacramentary for the Dioceses of the Philippines
(courtesy of the Archdiocese of Manila Official Website)


INTRODUCTORY RITES

Representatives of the graduating students join the entrance procession carrying diplomas, medals, and other school awards. These are placed on a side table in the sanctuary.
Blessing of the graduates



BLESSING OF GRADUATION INSIGNIA

After the homily, the valedictorian addresses the priest in these or similar words:

Reverend Father, we, the graduating students, presents with joy these diplomas, medals, and other school awards for which we worked during our grade school/ high school / college years. We ask you to pray that they will always remind us of our duty to serve God and country with zeal and loyalty.

With hands extended toward the graduating students the priests prays:

God our Father, you are the fountain of knowledge and virtue. Grant that these your sons and daughters whom you filled with divine and human gifts may dedicate themselves to you and the people with unfailing generosity and love.
Grant this though Jesus Christ our Lord.


In silence the priest makes the sign of the cross on the graduation symbols and sprinkles them with holy water. The general intercession follows.


SIGN OF PEACE

Before the priests invites the people to exchange the sign of peace, the salutatorian addresses the graduating students in these or similar words:

Fellow graduating students, though our grade school / high school / college days are now about to end,let our fellowship last through the years. As we offer each other the sign of peace, let us always be united in the love of Christ.


FINAL BLESSING

Before the priest blesses the people, the head of the school addresses him in these or similar words:

Reverend Father, as these students begin a new stage in life, we ask you to invoke God’s blessing upon them and upon their parents, guardian, and teachers.

Sunday, March 11, 2007

San Jose: Huwaran ng Pagtugon sa Tawag ng Diyos

Habang nananabik tayo para sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng ating banal na pintakasi na si San Jose, narito ang Triduum na ginamit namin sa San Jose Seminary noong taong 2005, pati na ang mga berso ng Celtic Alleluia para sa kanyang mga pagdiriwang.

Hail San Jose!

Unang Araw
San Jose, Huwaran ng Pananalig sa Kalooban ng Diyos

Ikalawang Araw
San Jose, Huwaran ng Pagtalima sa Ama

Ikatlong Araw
San Jose, Huwaran ng Paghahanap kay Hesus
***
Ikaw ang aming Ama,
gabayan mo kami at patnubayan.
Ikaw ang aming huwaran,
samahan mo kami sa aming landas.
Ikaw na pumanday
sa Panday ng mga alagad,
Hubugin mo kami sa wangis ng iyong Anak.
***
***
The Fatherhood of Saint Joseph
Celtic Alleluia (76th Annual Alumni Homecoming)

++The Solemnity of Saint Joseph often falls within the season of Lent. In this case, replace the Alleluia at the end of each verse with All praise the Lord! and the chorus with:
Let the peoples praise the Lord!
Let the peoples praise the Lord!
Let the peoples praise the Lord!
Let the peoples praise the Lord!

The Lord is good and steadfast in love! Alleluia! (R. Alleluia!)
He is our Father, his children we are! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing!

Alleluia! Alleluia! Alleluia! Alleluia!

In the fullness of time, he sent forth the Christ! Alleluia! (R. Alleluia!)
Jesus made flesh in Mary’s Womb! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

Joseph the just and righteous man! Alleluia! (R. Alleluia!)
Accepted in freedom God’s saving plan! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

Hail Blessed Joseph, favored by God! Alleluia! (R. Alleluia!)
to cradle the Savior in your weary hands! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

Called to raise and give him his Name! Alleluia! (R. Alleluia!)
Jesus, Redeemer, the Carpenter’s Son! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

Through harsh roads and unto alien lands! Alleluia! (R. Alleluia!)
He sheltered the Christ in his loving arms! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

Most blessed are you, who fathered God’s Son! Alleluia! (R. Alleluia!)
who fed by your sweat the Source of our strength! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

O form us, you, who formed our Lord! Alleluia! (R. Alleluia!)
teach us the heart of Jesus your knew! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

Protect the Church, Saint Joseph hear! Alleluia! (R. Alleluia!)
As yet we pine and labor here! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus)

during the incensation

Glory to God, Father, Spirit and Son! Alleluia! (R. Alleluia!)
Now and through endless ages to come! Alleluia! (R. Alleluia!)
People of God, rejoice and sing! (Chorus, Chorus one step higher)

Unang Araw: San Jose, Huwaran ng Pananalig sa Kalooban ng Diyos

Marso 16
Unang Araw
San Jose, Huwaran ng Pananalig sa Kalooban ng Diyos


PAGBUBUKAS

Iluluklok ang larawan ni San Jose sa isang dako ng dambana na inihanda para sa okasyong ito. Maaring magdaos ng pagkakarakol o ng simpleng prusisyon. Gaganapin ang pasimula ng triduo sa takipsilim sa loob ng pagdiriwang ng Banal na Misa.

Puti ang kulay ng mga kasuotan, o lila kung panahon ng Kuwaresma. Magpuprusisyon patungo sa dambana gaya ng dati at magbibigay galang pagdaka. Aawit ang lahat ng masayang awit.

Bayan, Magsiawit Na! (Arnel Aquino, SJ) /
Sa Piging na Handog (Aldrin Carlos/ Marius Villaroman) /
Pagmamahal sa Panginoon (Eduardo Hontiveros, SJ)

Dadako ang pari sa upuan at pasisimulan ang pagdiriwang. Mabuting awitin, o maari ring bigkasin, ng pari o ng diyakono, o ng isang mang-aawit:

Magalak tayo sa Diyos
sa panahong ito ng biyaya na kaloob niya sa atin
upang ipagdiwang ang ating pintakasi, si San Jose.
Matuto nawa tayo sa kanyang halimbawa
at magtamasa ng kanyang mabisang pamamagitan.

Pari:

Pasimulan natin ang ating pagdiriwang
sa Ngalan ng Ama at ng Anak
+ at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.


PANALANGIN NG PAPURI

Pari:

Purihin ang Diyos, Ama ng sangkinapal.
Siya ang lumalang at pumapatnubay sa tanan.
Siya ang tumatawag at may kaloob ng kalayaan.

Lahat: Purihin ang Diyos magpakailanman.

Pari:

Purihin si Hesus, Panginoon at Diyos,
Nagpakababa siya at nagpakatao para sa atin.
Kasama natin siya sa pagtalima sa Ama.

Lahat: Purihin ang Diyos magpakailanman.

Pari:

Purihin ang Diyos, Espiritu nating Taga-ilaw.
Siya ang pumupukaw sa ating paghahanap
at nag-aakay sa atin sa ating landas.

Lahat: Purihin ang Diyos magpakailanman.


PANALANGIN

Pari:

Manalangin tayo.

Sandaling tatahimik ang lahat.

Ama naming mapagmahal,
puspos ng pag-ibig
ang plano mo sa sandaigdigan.
Hindi mo kami kailanman pinababayaan.
Ipagkaloob mo sa amin ang pananalig ni San Jose
na tumugon sa iyong tawag

nang may lubos na pagtitiwala.

Sa Ngalan ni Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.


PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Halos parating pumapatak sa panahon ng Kuwaresma ang mga araw na ito kung kaya’t ang gagamitin sa Misa ay yaong mga pagbasa ng Kuwaresma. Kung panahon ng karaniwang panahon, maaring gamitin ang mga mungkahing pagbasa.

Unang Pagbasa
Mapalad ang Taong sa Diyos Nagtitiwala
Kawikaan 16: 17-20

Salmong Tugunan

Panginoon, Aking Tanglaw
Batay sa Salmo 27/ Fruto Ramirez, SJ

Ebanghelyo
Sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon
Mateo 1: 18-24


HOMILIYA

Ang pangaral sa mga araw na ito, lalo na kung panahon ng Kuwaresma kung kailan ibang mga pagbasa ang gagamitin, ay hindi lamang magbibigay tuon sa Ebanghelyo, ngunit maging sa mga itinakdang tema ng mga araw ng paghahanda at sa katauhan ni San Jose na sinisikap ipakilala sa pamamagitan ng triduum na ito bilang huwaran ng pagtugon sa tawag ng Diyos lalo at higit para sa pamayanan ng seminaryo.


PANALANGIN NG BAYAN

Pari:

Manalangin tayo sa Diyos na ating Ama
nang may lubos na pagtitiwala sa pag-ibig niya sa atin.

Huwag nawa kaming matakot, kaming iyong iniibig.

Para sa Simbahan na naglalakbay sa gitna ng sandaigdigan
na puno ng ligalig at ng kawalang-katiyakan.
Matututo nawa tayong magtiwala sa ating Ama
na hindi tayo kailanman pinababayaan.

Para sa ating Bayan,
upang maging mahinahon at matuwid ang mga mamamayan
at makatarungan sa pakikitungo sa bawat isa.

Para sa bawat isa sa atin,
nang matuto tayong maging bukas sa kalooban ng Diyos
at magtiwala sa kanyang plano para sa ating buhay.

Para sa mga naguguluhan at nahaharap sa matinding pagsubok,
upang manalig sila sa Diyos bilang kanilang sandigan at ilaw
at huwag maligaw ng landas.

Pari:

Ama naming mapagmahal,
ipagkaloob mo sa amin ang pagtitiwala
ng iyong lingkod na si Jose
na hindi nag-alinlangan sa iyong pag-ibig,
bagkus ay naging bukas sa landas na iyong ipinatatawid.

Itulot mong sumunod kami sa iyo nang may pananalig at galak
sapagkat ikaw ang higit na nakababatid
at nag-aakay sa aming nangangapa at naghahanap.

Sa ngalan ni Kristong Aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Magpapatuloy ang Misa sa karaniwang ayos. Maaring gamitin ang Pambungad ni San Jose, maliban kung sa panahon ng Kuwaresma.


PANALANGIN KAY SAN JOSE


Gaganapin matapos ang Panalangin Pagkapakinabang. Aawit and lahat ng angkop na awit. Samantala, iinsensuhan ng pari ang ang larawan ni San Jose.

Naririto (Steven C. Zabala)

Matapos ay uusalin ng lahat:

Pintakasi naming San Jose,
sa seminaryong ito na itinatalaga sa iyong pamamatnubay,
hiling namin ang iyong patuloy na pamamagitan.
Ikaw ang aming halimbawa at huwaran,
ipakita mo sa amin ang iyong landas ng pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinawag ka ng Panginoon
sa gitna ng iyong buhay
upang sumunod sa kanya
sa landas na ipinatatahak niya sa iyo.
Hindi mo naunawaan ang lahat
ngunit hindi ka nag-alinlangan.
Hindi mo inasahan ang hinihingi
ngunit ibinigay mo ang iyong sarili
nang may lubos na pagsuko.

Naging maingat ang iyong puso
na hanapin ang kalooban ng Diyos para sa iyo
at isabuhay ito nang may buong pagtitiwala
sa kanyang plano ng pag-ibig.

Ituro mo sa amin ang iyong pananampalataya
sa pagtugon sa tawag ng Diyos
nang may buong puso,
malayang loob
at ganap na pagtatalaga ng aming pagkatao.

Manalig nawa kami,
hindi sa aming sarili kundi sa kanya,
maging bukas sa kanyang pag-akay sa amin
sa landas na kanyang kalooban
at tumugon nang walang pasubali
sa kanyang pagtawag.

Ikaw ang aming Ama,
gabayan mo kami at patnubayan.
Ikaw ang aming huwaran,
samahan mo kami sa aming landas.
Ikaw na pumanday sa Panday ng mga alagad,
Hubugin mo kami sa wangis ng iyong Anak.

Lahat: Amen.


HULING PAGBABASBAS

Aaanyayahan ng diyakono o ng pari na yumuko ang mga tao upang hingin ang pagbabasbas ng Diyos:

Nang may pananalig sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria
at ng ating pinatakasi na si San Jose,
dumulog tayo sa Diyos at hingin na igawad niya sa atin
ang kanyang pagpapala.

Sandalin tatahimik ang lahat.

Pari:

Diyos Ama ang tumatawag sa lahat.
Ipagkaloob niya nawa ang lakas at biyaya
upang ating masundan ang kanyang pinatatahak.

Lahat: Amen.

Pari:

Si Hesukristo ang ating landas,
ituro niya nawa sa atin ang halimbawa ng pagsunod
nang may buong pagtitiwala sa kalooban ng Ama.

Lahat: Amen.

Pari:

Diyos Espiritu Santo ang Tanglaw,
Bigyang linaw niya nawa ang ating daan
at akayin tayo sa landas ng pananampalataya.

Lahat: Amen.

Pari:

At pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos
Ama, Anak
+ at Espiritu Santo.

Lahat: Amen.


PAGHAYO

Diyakono, o Pari:

Tapos na ang Misa,
Humayo kayong taglay ang pagpapala ng Diyos.

Lahat:
Salamat sa Diyos.

Aawit ng angkop na awit.

Ikalawang Araw: Huwaran ng Pagtalima sa Ama

Marso 17
Ikalawang Araw
San Jose, Huwaran ng Pagtalima sa Ama


PASIMULA

Puti ang kulay ng mga kasuotan, o lila kung panahon ng Kuwaresma. Magpuprusisyon patungo sa dambana gaya ng dati at magbibigay galang. Aawit ang lahat ng masayang awit.

Umawit Kayo!
(Arnel Aquino, SJ) /
Purihin ang Panginoon (Danny Isidro, SJ/ Fruto Ramirez, SJ)

Dadako ang pari sa upuan at pasisimulan ang pagdiriwang.

Pari:

Pasimulan natin ang ating pagdiriwang
sa Ngalan ng Ama at ng Anak
+
at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.


PAMBUNGAD SA PAGDIRIWANG

Ipakikilala ng pari ang pagdiriwang sa ganito o katulad na mga salita:

Papurihan natin ang Diyos
habang patuloy ang ating pananabik
sa dakilang kapistahan ng ating pintakasing si San Jose.
Siya ang ating huwaran
sa pagtugon sa tawag ng Panginoon.

Humingi tayo ng tawad sa Diyos
sa mga pagkakataong nagkulang tayo
sa pagtitiwala, pagtalima at paghahanap sa Kanya.

Sandaling tatahimik ang lahat.


PANALANGIN NG PAGSISISI

Unang Seminarista:

Panginoon,
patawarin mo ang aming pag-aalinlangan
sa iyong pag-gabay at pag-akay sa amin,
ang katigasan ng aming kalooban at puso
sa pagsunod sa iyong tawag.
Ipagkaloob mo sa amin ang tapat na pananampalataya.

Mayroong tatlong ilawan sa dako ng altar. Sisindihan ang unang ilawan.

Ikalawang Seminarista:

Panginoon,
patawarin mo ang aming pag-aatubili
sa pagsunod sa iyong kalooban
ang pagmamaktol namin kung kami ay nabibigatan,
ang pagdadabog namin kung mahirap ang hinihingi mo sa amin.
Ipagkaloob mo sa amin ang wagas na pagtalima.

Sisindihan ang ikalawang ilawan.

Ikatlong Seminarista:

Panginoon,
patawarin mo ang aming pagliliwaliw
at pagkahumaling sa mga bagay ng mundong ito,
sa mga panahong nagpatianod kami at nagpakalat-kalat
nawindang at hindi ikaw ang naging direksyon ng aming buhay.
Ipagkaloob mo sa amin ang walang maliw na paghahanap sa iyo.

Sisindihan ang ikatlong ilawan.

Pari:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin ang ating mga kasalanan
at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen.


PANALANGIN

Pari:

Manalangin tayo.

Sandaling tatahimik ang lahat.

Ama naming mapagmahal,
patuloy ang pagtawag mo sa amin
na sumunod sa iyong kalooban.

Ipagkaloob mo sa amin ang pagtalima ni San Jose
na laging naging handang tumugon sa iyong tawag
nang bukal sa loob at buong puso.

Sa Ngalan ni Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.


PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Halos parating pumapatak sa panahon ng Kuwaresma ang mga araw na ito kung kaya’t ang gagamitin sa Misa ay yaong mga pagbasa ng Kuwaresma. Kung panahon ng karaniwang panahon, maaring gamitin ang mga mungkahing pagbasa.

Unang Pagbasa
Pagpapalain ang lahat sapagkat ikaw ay tumalima
Gen 22: 1-18

Salmong Tugunan
Narito Ako
Batay sa Salmo 40/ Rene San Andres

Ebanghelyo
Dali-daling bumangon si Jose
Mateo 2: 13-16


HOMILIYA

Ang pangaral sa mga araw na ito, lalo na kung panahon ng Kuwaresma kung kailan ibang mga pagbasa ang gagamitin, ay hindi lamang magbibigay tuon sa Ebanghelyo, ngunit maging sa mga itinakdang tema ng mga araw ng paghahanda at sa katauhan ni San Jose na sinisikap ipakilala sa pamamagitan ng triduum na ito bilang huwaran ng pagtugon sa tawag ng Diyos lalo at higit para sa pamayanan ng seminaryo.


PANALANGIN NG BAYAN

Pari:

Dumulog tayo sa ating Panginoon
nang may pusong bukas sa pagtalima sa Kanyang kalooban.

Panginoon, turuan mo kaming tumalima sa iyo.

Para sa Simbahan
sa mga sandaling mahirap at walang katiyakan.

Para sa ating Bayan,
sa panahon ng krisis at pangangailangan.

Para sa bawat isa sa atin,
kapag may takot at pangamba.

Para sa dagdag na bokasyon sa pagpapari,
sa panahon ng pagpili.

Para sa mahihirap
kung pinag-uusig ang kanilang pag-asa.

Pari:

Ama naming mapagmahal,
tinatawag mo kami.

Turuan mo kaming bumangon
tulad ng iyong lingkod na si San Jose.
Ipagkaloob mo sa amin ang kanyang pagtalima
upang laging maging handang sumunod sa iyo,
anuman at saanman.

Sa ngalan ni Kristong Aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Magpapatuloy ang Misa sa karaniwang ayos. Maaring gamitin ang Pambungad ni San Jose, maliban kung sa panahon ng Kuwaresma.


PANALANGIN KAY SAN JOSE

Gaganapin matapos ang Panalangin Pagkapakinabang. Aawit and lahat ng angkop na awit. Samantala, iinsensuhan ng pari ang larawan ni San Jose.

Sa ‘Yong Piling (Roderick Castro – Marius Villaroman)

Matapos ay uusalin ng lahat:

Pintakasi naming San Jose,
sa seminaryong ito na itinatalaga sa iyong pamamatnubay,
hiling namin ang iyong patuloy na pamamagitan.
Ikaw ang aming halimbawa at huwaran,
ipakita mo sa amin ang iyong landas ng pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinawag ka ng Panginoon
sa gitna ng iyong buhay
upang sumunod sa kanya
sa landas na ipinatatahak niya sa iyo.
Dali-dali kang bumangon,
at walang pag-aatubili mong ginanap
ang sabi ng anghel.
Sinunod mo ang utos na Panginoon,
nang walang pagtutol
kahit sa gitna ng walang katiyakan.

Naging mabilis ang iyong puso
sa pagtalima sa Panginoon
‘pagkat lubos ang iyong pananalig sa kanyang pangangalaga
at hangad ng iyong puso ang sundin ang kanyang kalooban.

Ituro mo sa amin ang iyong pagtalima
sa pagtugon sa tawag ng Diyos
nang may pusong handa,
at bukas sa kalooban niya,
anuman, saanman,
kailanman.
Huwag nawa kaming matakot,
magpatumpik-tumpik,
o mag-alinlangan
sapagkat siya ay kasama namin
at hindi kami pinababayaan.

Ikaw ang aming Ama,
gabayan mo kami at patnubayan.
Ikaw ang aming huwaran,
samahan mo kami sa aming landas.
Ikaw na pumanday sa Panday ng mga alagad,
Hubugin mo kami sa wangis ng iyong Anak.

Amen.


HULING PAGBABASBAS

Aaanyayahan ng diyakono o ng pari na yumuko ang mga tao upang hingin ang pagbabasbas ng Diyos:

Nang may pananalig sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria
at ng ating pinatakasi na si San Jose,
dumulog tayo sa Diyos at hingin na igawad niya sa atin
ang kanyang pagpapala.

Sandaling tatahimik ang lahat.

Pari:

Diyos Ama ang pumapatnubay sa tanan.
Ipakita niya nawa ang kanyang pagkilos
at maging pangako sa ating pagbagtas.

Lahat: Amen.

Pari:

Si Hesukristo ang ating kasama,
Palagi niya nawang ipadama ang kanyang pananahan
at maging lakas natin at sandigan.

Lahat: Amen.

Pari:

Diyos Espiritu Santo ang Taga-aliw,
Siya nawa ang maging patnubay natin at tanglaw

lalo na sa panahon ng takot at karimlan.

Lahat: Amen.


Pari:

At pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos
Ama, Anak
+ at Espiritu Santo.

Lahat: Amen.


PAGHAYO

Diyakono, o Pari:

Tapos na ang Misa,
Humayo kayong taglay ang pagpapala ng Diyos.

Lahat: Salamat sa Diyos.

Aawit ng angkop na awit.

Ikatlong Araw: San Jose, Huwaran ng Paghahanap kay Hesus

Marso 18
Ikatlong Araw
San Jose, Huwaran ng Paghahanap kay Hesus


PASIMULA

Puti ang kulay ng mga kasuotan, o lila kung panahon ng Kuwaresma. Magpuprusisyon patungo sa dambana gaya ng dati at magbibigay galang. Aawit ang lahat ng masayang awit.

Sa Piging na Handog
(Aldrin Carlos-Marius Villaroman) /
Pagmamahal sa Panginoon (Eduardo Hontiveros, SJ)

Dadako ang pari sa upuan at pasisimulan ang pagdiriwang.

Pari:

Pasimulan natin ang ating pagdiriwang
sa Ngalan ng Ama at ng Anak
+
at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.


PAMBUNGAD SA PAGDIRIWANG

Ipakikilala ng pari ang pagdiriwang sa ganito o katulad na mga salita:

Ipagdangal natin ang Diyos
Sa huling araw ng ating paghahanda
sa dakilang kapistahan ng ating pintakasing si San Jose.

Sa katahimikan niya sa Ebanghelyo,
makikita ang kanyang taimtim na paghahanap.
Hinanap niya ang pinakamatuwid na hakbang
sa pagsubok sa kanilang magka-tipan.
Hinanapan niya ng masisilungan
ang kanyang mag-ina sa Belen.
Humanap siya ng paraan upang mabuhay sila
sa Ehipto, sa Nasaret at itinaguyod sila.

Kasama si Maria,
hanap-hanap niya si Hesus
sa gitna ng madla, sa gitna ng lahat.

Humingi tayo ng liwanag sa Diyos
upang tayo man ay pukawin niya na laging maghanap
at itulot sa atin na siya ay ating masumpungan.

Sandalin tatahimik ang lahat.


KYRIE

Pari:

Panginoong Hesus,
Ikaw ang ligaya ng aming mga pusong napapagal.
Panginoon, kaawaan mo kami.

Lahat: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari:

Panginoong Hesus,
Narito ka sa aming piling at naghihintay na masumpungan.
Kristo, kaawaan mo kami.

Lahat: Kristo, kaawaan mo kami.

Pari:

Panginoong Hesus,
Inaakay mo kami tungo sa iyo at sa Ama.
Panginoon, kaawaan mo kami.

Lahat: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin ang ating mga kasalanan
at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen.


PANALANGIN

Pari:

Manalangin tayo.

Sandaling tatahimik ang lahat.

Ama naming mapagmahal,
nilikha mo kami para sa iyong sarili

at palagi ka naming inaasam.

Ipagkaloob mo sa amin ang paghahanap ni San Jose
na mataimtim na sumunod sa mga bakas ng iyong Anak.

Sa Ngalan ni Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.


PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Halos parating pumapatak sa panahon ng Kuwaresma ang mga araw na ito kung kaya’t ang gagamitin sa Misa ay yaong mga pagbasa ng Kuwaresma. Kung panahon ng karaniwang panahon, maaring gamitin ang mga mungkahing pagbasa.

Unang Pagbasa
Hanap ko siya na aking iniibig
Awit ni Solomon 3: 1-4

Salmong Tugunan
Hangarin ng Puso Ko
Batay sa Salmo 1/ Arnel Aquino, SJ

Ebanghelyo
Hinanap ka namin ng iyong ama
Lukas 2: 41-52


HOMILIYA

Ang pangaral sa mga araw na ito, lalo na kung panahon ng Kuwaresma kung kailan ibang mga pagbasa ang gagamitin, ay hindi lamang magbibigay tuon sa Ebanghelyo, ngunit maging sa mga itinakdang tema ng mga araw ng paghahanda at sa katauhan ni San Jose na sinisikap ipakilala sa pamamagitan ng triduum na ito bilang huwaran ng pagtugon sa tawag ng Diyos lalo at higit para sa pamayanan ng seminaryo.


PANALANGIN NG BAYAN

Pari:

Tumawag tayo sa ating Ama nang may buong pagtitiwala.
Bago pa man tayo humingi, batid na niya ang ating nasa.

Panginoon, ipakita mo sa amin ang iyong pag-ibig.


Para sa Simbahan
nang palaging masumpungan sa kanya ng mga taong naghahanap
ang pag-ibig at pananahan ng Panginoon.

Para sa ating Bayan,
upang matamo sa Panginoon
ang kapayapaang matagal nang inaasam.

Para sa bawat isa sa atin,
na patuloy na maghanap sa Panginoon
at siya ay masumpungan.

Para sa mga nagtatanong at naghahanap
ng katotohanan at kahulugan.
nang matagpuan nila ang Panginoon.

Para sa mga ulila
upang makahanap ng kadluang mag-aalaga sa kanila
at gagabay sa kanilang paglaki.

Pari:

Ama naming mapagmahal,
ikaw ang sa tuwina ay aming nais
at ikaw lamang ang makapupuno sa lahat naming hangad.
Turuan mo kaming maghanap sa iyong Anak
tulad ng iyong lingkod na si San Jose,
sa gitna ng lahat sa aming buhay.

Sa ngalan ni Kristong Aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Magpapatuloy ang Misa sa karaniwang ayos. Maaring gamitin ang Pambungad ni San Jose, maliban kung sa panahon ng Kuwaresma.


PANALANGIN KAY SAN JOSE

Gaganapin matapos ang Panalangin Pagkapakinabang. Aawit and lahat ng angkop na awit. Samantala, iinsensuhan ng pari ang larawan ni San Jose.

Dunong ng Puso (Noel Jose Labendia – Marius Villaroman)

Matapos ay uusalin ng lahat:

Pintakasi naming San Jose,
sa seminaryong ito na itinatalaga sa iyong pamamatnubay,
hiling namin ang iyong patuloy na pamamagitan.
Ikaw ang aming halimbawa at huwaran,
ipakita mo sa amin ang iyong landas ng pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinawag ka ng Panginoon
sa gitna ng iyong buhay
upang sumunod sa kanya
sa landas na ipinatatahak niya sa iyo.
Palaging nakatuon sa kanya ang iyong isip at puso.
Hanap mo ang kanyang kalooban sa bawat sandali,
bawat galak, bawat suliranin.
Kasama si Maria,
hinanap mo si Hesus sa gitna ng madla,
at inanyayahan mo siyang umuwi,
at mabuhay na kasama mo
at manahan sa iyong tahanan.

Naging marunong ang iyong puso
sa paghahanap sa Panginoon
‘pagkat lubos ang iyong pagmamahal sa kanya
at pakikinig sa kanyang kalooban.

Ituro mo sa amin ang iyong paghahanap kay Hesus
sa pagtugon sa tawag ng Diyos
nang may pusong palaging nakatuon sa Kanya
sa gitna ng lahat.
Huwag nawa kaming mawalan ng patutunguhan,
bagkus laging italaga ang aming sarili
sa pagsunod sa kanya.

Ikaw ang aming Ama,
gabayan mo kami at patnubayan.
Ikaw ang aming huwaran,
samahan mo kami sa aming landas.
Ikaw na pumanday sa Panday ng mga alagad,
Hubugin mo kami sa wangis ng iyong Anak.

Amen.



HULING PAGBABASBAS

Aaanyayahan ng diyakono o ng pari na yumuko ang mga tao upang hingin ang pagbabasbas ng Diyos:

Nang may pananalig sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria
at ng ating pinatakasi na si San Jose,
dumulog tayo sa Diyos at hingin na igawad niya sa atin
ang kanyang pagpapala.

Sandaling tatahimik ang lahat.

Pari:

Diyos Ama ang lumikha sa ating pusong uhaw
Palagi nawa niya tayong akitin sa kanyang sarili.

Lahat:
Amen.

Pari:

Si Hesukristo ang nagdadala sa atin sa Ama
Palagi nawa niya tayong akayin tungo sa Kanya.

Lahat: Amen.

Pari:

Diyos Espiritu Santo ang nagtuturo ng landas.
Siya nawa ang pumatnubay sa ating paghahanap.

Lahat: Amen.

Pari:

At pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos
Ama, Anak
+ at Espiritu Santo.

Lahat: Amen.


PAGHAYO

Diyakono, o Pari:

Tapos na ang Misa,
Humayo kayong taglay ang pagpapala ng Diyos.

Lahat: Salamat sa Diyos.

Aawit ng angkop na awit.


San Jose, Manggagawa
Hontiveros, SJ

San Jose! San Jose!
Pintakasing dakila ng manggagawa
sa Simbaha’y lagi kang nagbabantay.
Amang butihing gabay sa lupa
ni Hesukristong dinarakila

Kamiý dumudulog sa ‘yong pamamagitan
Sa Diyos naming Amang mapagmahal
na sana’y pagyamanin at pagpalain
ang seminaryo naming tahanan.

O San Jose!
O San Jose!

Thursday, March 08, 2007

Let All the Peoples Sing Praise

Here are the lyrics I was requested to compose for the Entrance Hymn to be used during the Presbyteral Ordination of Rev. Jojo Monis et al. at the Immaculate Conception Cathedral of the Diocese of Cubao on 19 March 2007, the Solemnity of Saint Joseph.

Let All the Peoples Sing Praise
(Verses for Ordinations)
Music by Ron M. Alquisada
Verses by Leo R. Ocampo

Chorus:
Let all the peoples praise the Lord,
Let all the peoples sing praise!
Let all the peoples praise the Lord,
Let all the peoples sing praise!

Arise in splendor, people of God,
approach his altar with songs of praise
The Lord cares for you with tender love
He raises up shepherds to lead the flock! (Chorus)

Arise in honor, priests of Christ,
reveal the Lamb of sacrifice.
Take up with courage the bread and wine,
Love broken and poured out that all may be one! (Chorus)

Arise in valor, preach the Word,
his leaven of change for all the world.
Proclaim with power the good news of light,
lead all those in darkness to fullness of life! (Chorus)

Arise in mercy, to raise the poor,
to seek out the lost and bind the lame.
Yet stoop down in service like Christ the Lord
who bid us to love as he himself loved! (Chorus)

Arise in beauty, Body of Christ,
to God our Father break forth into song!
Through Christ in the Spirit sing praise with your lives.
Arise and stand firm, O people of God! (Chorus, Repeat Chorus)


<bgsound src="http://h1.ripway.com/leoruizocampo/Psalm67Final.mp3" loop="infinite">