Turn-Over Ceremony
ISANG PAGDIRIWANG NG PAGSASALIN NG TUNGKULIN
San Jose Major Seminary
Magtitipon ang pamayanan sa kapilya o iba pang angkop na pook. Magsisimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang angkop na awitin.
PAGBATI
Rektor:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
R: Amen.
V. Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumainyo rin.
PAMBUNGAD UKOL SA PAGDIRIWANG
Ipakikilala ang pagdiriwang sa ganito o katulad na mga salita.
Mga kapatid,
nagkakatipon tayo ngayong gabi
upang ipagdiwang ang pagsasalin ng tungkulin
sa mga bagong pinuno ng ating pamayanan.
Purihin natin ang Diyos
para sa patuloy niyang pamamatnubay
sa ating seminaryo.
Pasalamatan din natin siya
para sa matapat na paglilingkod
ng mga naging pinuno ng ating pamayanan
sa nakaraang semestre.
Ipanalangin natin sa Kanya
ang ating mga bagong halal na pinuno
upang sila ay tumanggap ng biyayang kakailanganin
upang gampanan ang kanilang tungkulin
nang buong puso at lakas.
Pakinggan natin ang pagpapahayag ng salita ng Diyos.
Sandaling katahimikan.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Magsusugo ako ng mga pinuno upang kayo ay pamahalaan.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias 3: 15-18
Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon: Bibigyan ko kayo ng mga pinunong sumusunod sa akin at pamamahalaan nila kayo nang buong katalinuhan at pagkaunawa. At kung dumami na kayo sa lupaing iyon, hindi na pag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa Kaban ng Tipan ng Panginoon. Hindi na nila ito iisipin o aalalahanin. Hindi na nila ito kakailanganin o gagawa pa ng isa pa. Sa araw na iyon, ang Jerusalem ay tatawaging “Luklukan ng Panginoon.” Lahat ng bansa’y magkakatipon dito upang sambahin ako. Hindi na nila gagawin ang kasamaang kanilang gustong gawin. Magkakaisa ang Israel at ang Juda. Magkasama silang babalik mula sa hilaga at maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga magulang, upang maging kanila magpakailanman.
Ang Salita ng Diyos
Bayan: Salamat sa Diyos.
Sandaling katahimikan.
PAGHIRANG
Beadle:
Minamahal at ginagaling naming Rektor,
Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo
at sa buong sambayanan ni San Jose,
ang mga nahirang na pinuno upang maglingkod
para sa unang/ikalawang semestre ng taong __________.
Tatawagin niya isa-isa ang mga bagong hirang na pinuno simula sa pinakamababang puwesto hanggang sa pinakamataas. Sila ay pupunta sa harap at sasabihin: Heto ako.
Rektor:
Sila ba ay angkop at karapat-dapat?
Beadle:
Matapos pakinggan ang pulso ng pamayanan,
at sa mabuting pagpapasya
ng mga may katungkulan sa aming paghuhubog,
nagtitiwala kaming sila ay angkop at karapat-dapat.
PANALANGIN
Rektor:
Mga minamahal,
ipanalangin natin sa Maykapal
ang mga kapatid nating ito.
Kasihan nawa sila ng kanyang banal na Espiritu
sa kanilang pagtanggap sa mga bagong tungkulin.
Samantala, luluhod ang mga hinirang na pinuno. Iuunat ng Rektor ang kanyang mga kamay tungo sa kanila samantalang binibigkas ang panalangin. Maari ring iunat ng sambayanan ang kanilang mga kanang kamay tungo sa mga hinirang na pinuno.
Amang mapagmahal,
walang maliw ang iyong pagkalinga sa amin.
Sa bawat pook at bawat henerasyon,
Tinutupad mo ang iyong pangakong magsusugo ng mga pinuno
Upang pamahalaan at akayin ang iyong sinisintang kawan.
Igawad mo ang iyong masaganang pagbabasbas
Sa mga kapatid naming ito na ikaw ang humirang.
Palakasin mo ang kanilang pakikipagkaisa kay Kristo
na pinahiran mo bilang pari, hari at propeta.
Sariwain mo sa kanila ang biyaya ng Espiritu Santo
na kanilang tinanggap sa pagpapahid ng langis
upang sa kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin,
lingapin, akayin at pabanalin nila
ang kanilang mga kapatid.
Sa liwanag ng Espiritung ito,
patuloy mo silang lingapin at patatagin
sa kanilang pagtupad sa kanilang mga gampanin.
Alalayan at palakasin mo sila
upang buong puso at buong lakas
na maglingkod sa iyo, in opus ministerii.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Bayan: Amen.
Tatayo ang mga hinirang at yayakapin sila ng Rektor. Ipahahayag ng sambayanan ang kanilang pagtanggap sa pamamagitan ng masigabong palakpakan.
PAGKAKALOOB NG MGA SAGISAG NG KATUNGKULAN
Ipagkakaloob ng mga nakaraang pinuno ang mga sagisag ng kanilang katungkulan, samantalang binibigkas ang ganito o katulad na mga salita.
LST Representative/ Academic Chairperson:
Kapatid, tanggapin mo ang LST Handbook,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na pagyamanin ang ating paghuhubog sa buhay intelektwal.
Sa biyaya ng Maykapal,
tulungan mo ang ating mga kapatid na lumago
hindi lamang sa kaalaman kundi sa karunungan.
SAPI Chairman:
Kapatid, tanggapin mo ang bandila ng Pilipinas,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na itaguyod ang ating pagmamahal sa bayan.
Sa biyaya ng Maykapal,
tulungan mo ang ating mga kapatid na lumago
sa kanilang pananagutan at pagmamalasakit sa bayan.
College Asst. Coordinator:
Kapatid, tanggapin mo ang susi sa pintuan ng kolehiyo,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na umalalay sa paghubog ang ating mga nakababatang kapatid.
Sa biyaya ng Maykapal,
panatilihin mong bukas ang mga pintuan ng kolehiyo
sa pagkilos ng Espiritu na siyang humuhubog sa ating lahat.
College Coordinator:
Kapatid, tanggapin mo ang sipi ng mga Panuntunan ng kolehiyo,
sagisag ng iyong pagpapatuloy sa tungkulin
na umalalay sa paghubog ang ating mga nakababatang kapatid.
Sa biyaya ng Maykapal,
tulungan mo silang lumago sa kanilang pagiging Josefino,
sa iyong mabuting halimbawa at pagmamalasakit sa kanila.
Asst. Apostolate Coordinator:
Kapatid, tanggapin mo ang (lighter o) pamaypay,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na umalalay sa pagpapasigla ng ating buhay apostolado
Sa biyaya ng Maykapal,
Pagningasin at pag-alabin mo sa iyong mga kapatid
ang diwa ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa,
lalo’t higit sa mga mahihirap.
Apostolate Coordinator:
Kapatid, tanggapin mo ang pangbungkal ng lupa,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na manguna sa pagpapalago ng ating buhay apostolado
Sa biyaya ng Maykapal,
Tulungan mo ang iyong mga kapatid na iugat ang kanilang sarili
sa kababaang loob at kasipagan sa paglilingkod,
at tumubo sa kanilang bokasyon
na ipahayag ang Mabuting Balita sa mga dukha.
Liturgical Celebrations Coordinator:
Kapatid, tanggapin mo ang susi sa sakristiya,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na mamuno sa ating buhay panalangin at pagsamba.
Sa biyaya ng Maykapal,
Tulungan mo ang iyong mga kapatid na magdasal
at lumago sa kanilang pakikipag-unayan sa Diyos,
lalong lalo na sa kanilang pakikipagtagpo sa kanya
sa Banal na Eukaristiya.
Sub-sub beadle:
Kapatid, tanggapin mo ang walis
at ang kaban ng yaman ng pamayanan,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na mamuno sa pangangalaga at pag-iingat
sa mga pinagkukunan (resources) ng seminaryo.
Sa biyaya ng Maykapal,
Tulungan mo ang iyong mga kapatid
na magmalasakit sa pamayanan at pangalagaan ang seminaryo
nang may pag-ibig, pagsasakripisyo at utang na loob.
Sub beadle:
Kapatid, tanggapin mo ang sandok,
sagisag ng iyong pagtanggap sa tungkulin
na pangasiwaan ang mga pangangailangan ng iyong mga kapatid.
Sa biyaya ng Maykapal,
Tulungan mo at alagaan ang iyong mga kapatid.
Ipakita mo sa kanila ang kagandahan ng paglilingkod.
Busugin mo sila hindi lamang sa pagkain kundi sa pagmamahal.
Beadle:
Kapatid, tanggapin mo ang bandila ng Seminaryo ni San Jose
at ang martilyo na sagisag ng iyong tungkulin bilang beadle.
Kasama ng iyong mga kapatid,
itaas mong lagi ang ating mga adhikain bilang mga Josefino
at ipagpatuloy ang mahaba at mayamang tradisyon
ng virtud y letras at ng paglilingkod at pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Sa biyaya ng Maykapal,
gamitin mo ang iyong kapangyarihan,
nang may pag-ibig at karunungan,
hindi upang pukpukin at saktan ang iyong mga kapatid,
kundi upang ayusin at patibayin ang pamayanan ng seminaryo
sa halimbawa ng ating amang panday na si San Jose.
Sa yugtong ito, maaring wisikan ng banal na tubig ang mga bagong hirang na pinuno.
HULING PAGBABASBAS
Rektor:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumainyo rin.
At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama at Anak at Espiritu Santo
Bayan: Amen.
Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Bayan: Salamat sa Diyos.
4 Comments:
pandora jewelry
nike factory outlet
ed hardy uk
adidas nmd
true religion outlet store
bears jerseys
ugg boots
oakley sunglasses
ray ban sunglasses
kate spade sale
2017.7.29
fitflops sale
ray ban sunglasses outlet
jordan 8
nike blazer pas cher
rolex replica watches
ray ban sunglasses
ugg boots
ugg boots
ugg outlet
ed hardy uk
2017.8.9
0822jejePas tous les nike air jordan 3 retro homme membres de l'équipe pourraient avoir un accès égal à la nouvelle infrastructure de communication comme le RNIS et les air jordan retro as logiciels mis à jour. Le système de pesage Opti-Mass est livré avec chaussures nike roshe run pas cher pour homme un insert en résine de tungstène haute densité pour un positionnement spécifique du chaussures nike flyknit chukka CG. Pour des marques comme NIKE UK, cela se fait nike air jordan blanche rouge généralement grâce à des campagnes publicitaires et marketing intelligentes qui assurent un flux constant air jordan homme promo de clients et augmentent également la visibilité de votre marchandise lorsque la marque n'est pas asics gel lyte 3 femme blanche et grise parfaitement reconnue.
timberland boots
christian louboutin
yeezy boost 350
michael kors
coach outlet
michael kors outlet
curry 6
yeezys
curry 6 shoes
christian louboutin shoes
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home