Monday, January 10, 2011


Sabihin mo sa akin, ikaw na inibig ng aking kaluluwa
(Origen, mula sa unang Homilia ukol sa Awit ng mga Awit)

“Sabihin mo sa akin, Ikaw na inibig ng aking kaluluwa,
saan ka ba kumakain, saan humihimlay sa tanghaling tapat?” (Awit 1: 7)

Sapagkat kung hindi mo sasabihin sa akin,
magpapalaboy-laboy ako, at iaanod paroon at parito
samantalang hinahanap ka,
kung saan saan tatakbo at hahabulin ang kung sino-sino,
at sapagkat hinihiya nila ako,
tatakpan ko ang aking mukha at bibig ng belo.
Ngunit ang totoo, ako ang magandang ikakasal
at sa Iyo ko lamang ipinakikita ang aking mukha,
ikaw na matamis kong hinahalikan, maliban ngayon.

“Sabihin mo sa akin, Ikaw na inibig ng aking kaluluwa,
saan ka ba kumakain, saan humihimlay sa tanghaling tapat?”

“Baka hindi ko mapigilang magpagala-gala nang may belo doon sa may mga kasama mo.”
At upang huwag kong sapitin ang mga ito
—upang hindi ko kailanganing magtakip o magtago,
at sa pakikihalubilo sa iba, ay baka magpaubaya rin sa hindi ko naman nababatid,
nagsusumamo akong sabihin mo
kung saan kita hahagilapin at matatagpuan sa tanghaling tapat,
“Baka hindi ko mapigilang magpagala-gala nang may belo doon sa may mga kasama mo.”

-Sinalin sa San Jose Seminary, 10 Enero 2011

* * *

Tell Me, You Whom My Soul Has Loved
(Origen, from Homily 1 on the Canticle of Canticles)

“Tell me, You whom my soul has loved,
where You feed, where You lie in the midday?” (Cant 1: 7)

For unless You tell me,
I shall begin to be a vagrant, driven to and fro;
while I am looking for You, I shall begin to run after other people’s flocks.
and, because these other people make me feel ashamed,
I shall begin to cover my face and my mouth,
I am the beautiful bride in sooth,
and I bare not my face to any but You only,
whom I kissed tenderly but now.

“Tell me, You whom my soul has loved,
where You feed, where You lie in the midday?” (Cant 1: 7)

“Lest I have to go veiled beside the flocks of Your companions”
That I suffer not these things—that I need not to go veiled or hide my face,
that, mixing with others, I run not the risk
of beginning to love also them whom I know not—tell me, therefore,
where I may seek You and find You in the midday,
“Lest I have to go veiled beside the flocks of Your companions.”