Friday, September 22, 2006

Litanya ng mga Santo

I would like to share a beautiful prayer that my dear friend, Rachel Sanchez, made for me as my write-up for our yearbook: a really honest and loving account of my college life.

Thank you so much best enemy!


Matapos ang 30 na Estasyon ng Krus, 75 na Rosaryo at 80 na Nobena sa iba’t ibang Santo, tumungo sa Banahaw, lumuhod at dasalin ang sumusunod na Litanya…

Panalangin Para sa Kaluluwa (na Sumasakatawan) ni Leo Ocampo

Pari: Santa Cecilia, nawa’y manatiling mala-anghel ang pag-awit ni Leo; Santo Tomas, nawa’y ipagpatuloy ni Leo ang pagpapakadalubhasa sa Pilosopoya, Teolohiya, at sa pagsagot sa Game Ka na Ba?; San Ignacio de Loyola, nawa’y mabawasan ang pagiging pasaway ni Leo; San Juan dela Cruz, nawa’y huwag kang magpatalo sa galing ni Leo manalangin; San Judas Tadeo, nawa’y magbawas si Leo ng kinakain; San Vicente de Paul, nawa’y manatili ang pagiging mapagkawang-gawa ni Leo kahit sa kanyang regency; Santa Teresita del Niño Jesus, nawa’y manatiling payak at masiyahin si Leo; San Lorenzo Diakono, nawa’y patuloy na pahalagahan ni Leo ang mahihirap; Santa Maria Goretti at San Benedito ng Nursia, dalawa na kayong dinadasalan namin dahil minsan malubha ang pagiging bastos ni Leo; Sto. Niñong Berde ang Damit, nawa’y umunlad ang mga magiging negosyo ni Leo tulad ng kanyang sari-sari store sa San Jose; San Jose, nawa’y patuloy na maging mapagmahal na lalaki si Leo; Santa Maria, tumibay pa nawa ang pananampalataya ni Leo sa Diyos.

Tugon: Ipanalangin niyo Kami. Luwalhati... Amen. <bgsound src="http://www.tc.umn.edu/~sorem002/loving_and_forgiving.mid" loop="infinite">

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home